Blogger's Note: Grateful acknowledgement to the author of this graduation speech. You have inspired so many people with your sincere and inspiring message. God bless, you wherever you are now.
"This
speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation
ceremonies at the UP College of Engineering.
"Ngayong
araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record.
Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle
University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID
number ka na nagsisimula sa “94”at pataas, kung lumipas ang isang buong school
year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.
Ang
transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo
ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may
bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay
pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.
Ang
speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga
magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng
political statement,o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan
itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya
ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam
ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum
Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako
nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate
despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.
Maaaring
isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo
pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi
ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang
ia-asenso sa buhay, hindi ba?
Ayun.
Natumbok niyo. Iyun na nga ang dahilan. Madalas, pag ang isang estudyante ay
may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito
ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa
kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang
bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang
sikat na kumpanya.”
Mas
mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong
kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng
ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin
talaga ang sinasabi natin?
Kapag
ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya
lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare,
magpi-PhD na ako sa Anmath3/ Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa
Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing
matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin
ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.
Kaya
ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko parasa mga estudyanteng
lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede,ginawa
na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang
araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na
pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo
pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rinang
mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit
pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud
sa sarili mo.
Ano
ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang
puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may
patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?
Maaring
makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka
makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag
kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan
niyo yung pagti-tiyaga ngayon?
Pwede
ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang,
malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo,
kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.
Baka
sabihin ninyo, drowing lang ako.
I’ve
been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong
masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan
ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na
walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante.
Naranasan
ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman
sasabihin sa magulang ko na maybagsak na naman ako. Kaya alamko ang pakiramdam
ninyo.
Akin
ang transcript na ito.
Pagkagraduate
ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, taposaral
ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi
para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad
lang ako.
This
is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever,
naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle
finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the
university, those who were achievers in school or those who gratify the country
when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to
acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi."
No comments:
Post a Comment